5 Agosto 2019 — Binuksan ng may kasiyahan ang Buwan ng Wikang Pambansa sa St. Mary’s College of Tagum, Inc. na may temang ginagamit hindi lamang dito sa paaralan kundi sa buong bansa, “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”.
Pinasimulan ang programa sa isang panalangin at ang pagtatanghal ng Grade 12 STEM B sa Opening Salvo. Simula palang ng Buwan ng Wika, samu’t saring mga talento na ang nasaksihan ng bawat isa.
Nahati ang buong Senior High School mula Grade 11 at Grade 12 sa siyam na pangkat, ang pangalan ng bawat pangkat ay hango sa mga diyos at diyosa ng Pilipinong Mitolohiya.
Inanunsyo ni Bb. Christine Mae P. Anacaya, ang moderator ng SMM (Samahan ng Makawikang Marianista) ang iba’t ibang aktibidades sa paparating na linggo.
Tayo ay kabahagi ng institusiyong hindi lang pinapahalagahan ang kabutihan at kaayusan ng ating akademikong aspeto ngunit lalo’t higit ang ating aspetong makabayan. Ngayong Agosto, ating tunghayan ang mga paparating na aktibidades lalong lalo na ang kulminasyon sa huling linggo ng Agosto.
Tayo nawa’y patnubayan ng Poong Maykapal!