“Sa buwan na ito, muli na naman nating gunitain ang kadakilaang nagawa ng ating Dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang ama ng Wikang Pambansa na siyang nanguna sa gawain na magkaroon ng isang wikang Pambansa ang bansa. Itinakda niya ang Surian ng Wikang Pambansa o ang tinawag ngayon na Komisyon ng Wikang Filipino na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibangmga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlan, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang wika.
Sa taong ito, ayos sa Komisyon ng Wikang Filipino o KWF, ang tema ng Buwan ng Wika ngayong Agosto 2018 ay: FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK (Language Research).
Sa pamamagitan daw ng temang ito, layon ng KWF na palaganapin ang Wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.
Nais ng KWF na habang papalago ang kaalaman sa siyensya at matematika kinakailangan papalago rin ang wikang SARILING ATIN – ANG WIKANG FILIPINO.
Ngayong unang araw ng Agosto, sabay-sabay nating salubungin nang buong kasiyahan at pagkamakabayan ang buwang ito at ipagdiwang natin ang Buwan ng Wika sa taong ito. Sa ngalan ng buong departamento ng Mataas na Edukasyon, administrasyon at sa binubuo ng Samahan ng Makawikang Marianista (SAMARIANS) makabayan ko pong idinaklara ang Opisyal na Pagbubukas ng pagdiriwang Buwan ng Wika 2018! Mabuhay ang Pambansang Wika ng Pilipinas! Mabuhay ang Filipino!”
Pambungad Pananalita ni Mrs.Diza M. Rolida, Ed.D
Agosto 1, 2018